Mayor Rhea's State of the Municipality Address
2025
Sa kanyang unang State of the Municipality Address (SOMA), ibinalita ni Mayora Rhea Ynares ang mga reporma at proyektong naisakatuparan sa unang 100 araw ng kanyang panunungkulan.
HIGHLIGHTS:
• Mas Mabilis na Biyahe:
Bumilis ng 66% (mula 45, 15 minuto na lang) ang biyahe mula San Carlos hanggang Calumpang matapos ipatupad ang trial traffic schemes sa DAPAPABI at SANTAPAT.
• Batas Pantrapiko:
Paghihigpit sa mga lumalabag sa batas trapiko tulad ng walang helmet, open mufflers, at mga sasakyang nakaharang sa kalsada.
• Fare Matrix:
Nagkaroon na ng pagpupulong para sa tamang pamasahe sa mga pampublikong sasakyan gaya ng tricycle.
• Pagpapalawak sa Quarry Road:
Sinimulan na ang paglalagay ng aspalto at drainage works habang nilagdaan na ang Executive Order para sa pagbili ng mga pribadong lupang maaapektuhan, katuwang ang Rizal Provincial Government.
• Streetlights:
Mahigit 307 streetlights ang na-install sa mga pangunahing kalsada upang matiyak ang mas ligtas na biyahe sa gabi.
• Kuryente sa Talim Island:
Sa tulong ng MERALCO, isinagawa ang bamboo trimming upang mapanatili ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente sa isla.
• Spaghetti Wires Clearing:
Pinangunahan ng LGU, MERALCO, at mga TelCo providers ang pagtanggal ng mga nakalaylay na kable upang maiwasan ang aksidente at interruption sa internet connection.
• Waste Management:
Pagtatayo ng Transfer Station sa Brgy. Bilibiran para mapabilis ang paghahakot ng basura.
• “Plastik-Can: TSEK sa Binangonan”:
Sa pakikipagtulungan sa Odyssey Foundation at Concreat Holdings, maaaring ipalit ang plastic waste sa food products ng CDO.
• Flood Control:
Katuwang ang Japan International Cooperation Agency (JICA) sa pagbuo ng modern drainage master plan na hango sa modelo ng Marikina.
• Pamilihang Bayan:
45 stalls para ambulant vendors, regular flushing operations, security deployment, at paging at CCTV system. Susunod na ang proper sectioning, maayos na water source, at pagpapagawa ng bubong.
• Pasyalan sa Munisipyo:
20 food stalls at 30 pax picnic area na may PWD-friendly restrooms sa paligid ng Municipal Hall.
• EBOSS System:
100% online na ngayon ang business registration at renewal sa pamamagitan ng Electronic Business One Stop Shop.
• Libreng LED Ads:
Lahat ng rehistradong negosyo ay may pagkakataon para sa libreng ad space sa LED walls at Binangonan Tourism Page.
• Tax Discounts:
May diskwento sa buwis ang mga kumpanyang kumukuha ng mga taga-Binangonan, PWD, at senior citizen bilang empleyado.
• Kalusugan at Serbisyong Medikal:
5,441 medical assistance beneficiaries,
23,091 libreng gamot,
5,774 dental patients,
Ongoing: Dialysis & Orthopedic Centers,
X-Ray Facility sa Pritil Health Center,
Busog Lusog Caravan: 1,200 residente at 133 alagang hayop ang natulungan,
• Kahandaan sa Sakuna:
3,000 relief packs nakaimbak sa bagong DSWD-accredited warehouse,
10,000 packs naipamahagi noong Hulyo,
12 trainings, 400 individuals trained sa First Aid & BLS,
128 emergency responses (15–25 min. response time),
• EduKalinga 2025:
Educational assistance para sa 775 indigent students (200 elementary, 425 high school, 150 college).
• Kasunod na proyekto:
Libreng school supplies (Grades 1–6) sa susunod na academic year,
Study Now, Pay Later Program para sa mga nagnanais kumuha ng medicine, law,,
at iba pang “high demand” courses sa private universities
Music & Arts Center para sa out-of-school youth,
Science & Tech Laboratories,
Student Help Desk,
• Senior Citizen Park:
Pasyalan at wellness area para sa elderly.
• Animal Shelter & Eco-Farm:
Isang sustainable project na mag-aalaga ng inabandonang hayop habang nagbibigay ng trabaho at karagdagang kita sa komunidad.
• Mga Natanggap na Parangal:
Plaque of Appreciation – MDRRMO (Disaster Resilience),
Plaque of Recognition – MENRO (Environmental Stewardship),
Green Banner of Compliance Award 2024 – Nutrition & Governance,
"Mga kababayan, ituloy lang po sana natin ang suporta at tiwala para sa “isang Binangonan na maunlad, masaya, at nagkakaisa.”